FANDOM


TEASER pa lang ng tatlong episode ng Lenten special ng Eat…Bulaga! sabi ng ilang viewer na nakausap namin "mukhang kinarir ng mga komedyanteng host ang pagganap nila ang serious role."

Mula bukas, Holy Monday presentation, gagampanan ni Michael V. ang title role sa Mama. Isang cross-dressing make-up artist si Betty, na tumatayong ina sa mga pamangkin at katrabaho niya. Sa impluwensiya ng kanyang Bible study group, nangako siyang magbabagong buhay.

Kasama ni Michael V sina, Francis Magalona, Keempee de Leon, Toni Rose Gayda, Pauleen Luna, Teri Onor, BJ Forbes at Allan K. Directed by Bibeth Orteza.

Susundan ito ng kakaibang kuwento sa Holy Tuesday episode, na pinamagatang Waiting Room. Isang misteryosong kuwarto na may pitong tao na magkakasama, pero walang naaalala maliban sa kanilang pangalan. Sa isang TV set, mapapanood nila ang mga palabas tungkol sa kanilang buhay. Handa na ba silang kilalanin ang tunay nilang pangkatao, pati ang kaugnayan nila sa isa't isa?

Kung sa Mama ay may iyakan blues, dito sa Waiting Room ay hahagulgol kayo. Starring Anjo Yllana, Ruby Rodriguez, Pia Guanio, Julia Clarete, Wally Bayola and Gladys Guevarra. Guests: Ryan Eigenmann at Michael de Mesa. Directed by Gina Alajar.

Ang Holy Wednesday episode namang Ganyan Kita Kamahal ay pagsasamahan nina direk Bibeth Orteza sina, Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Jimmy Santos, Ciara Sotto, Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Sugar Mercado at Ms. Armida Siguion-Reyna.

Kuwento ng isang ina na may malubhang karamdaman, at ang hiling niya sa tatlo niyang anak ay wakasan na ang kanyang paghihirap. Tiyak, maaantig kayo kung paano hinarap ng magkakapatid ang hiling ng kanilang ina.

Community content is available under CC-BY-SA unless otherwise noted.